Dagupan City – Nagtala ng bagong world record ang 55-anyos na babae matapos niyang tumakbo ng full marathon araw-araw.

Ayon sa ulat nasa 366 full marathons ang tinapos ng 55-anyos ng kinilalang si Hilde Dosogne noong 2024.

Sa kabuuan, katumbas ito ng mahigit 15,000 kilometro, natumbasan niya ang dating rekord ng Brazilian runner na si Hugo Farias at nahigitan naman ang dating women’s record na 150 marathons.

--Ads--

Sa kabila ng sakit sa kasu-kasuan at mental stress, ani Hilde, pinili pa rin nitong tumakbo araw-araw kahit pa minsan ay umaabot na sa punto na kinakailangan na niyang gumapang para lamang matapos.

Bukod dito pa rito, nagbigay inspirasyon din ang kaniyang adhikain na makatulong sa mga kababaihang may breast cancer at sa katunayan ay nakalikom na ito ng P3.9 milyon.

Ngayon, umaasa naman si Hilde na maaprubahan na ang kanyang aplikasyon sa Guinness World Records. Dahil para sa kaniya, ang tagumpay na ito ay simbolo ng determinasyon at inspirasyon para sa lahat.