DAGUPAN, CITY— “Walang halong pulitika”

Ito ang sambit ng maybahay ng nasawing kapitan na si Benigno De Luna, 54 taong gulang ng barangay Lasip sa bayan ng Malasiqui matapos itong pagsasaksakin sa kanyang bahay.


Ayon kay Crispina De Luna, misis ng biktima, wala naman umano itong alam na nakagalit ng kanyang asawa maging sa politika kaya naman hindi nito mawari kung bakit pinaslang ang kanyang mister.

--Ads--


Aniya, hindi nila inaasahan ang sinapit ng kanyang asawa ngunit posibleng matinding galit at inggit ang pinanggalingan ng suspek sa pagpatay sa kanyang asawa lalo pa at sa malalang paraan ito napaslang.


Tiwala naman siya na mahahanap ng mga kapulisan ang suspek sa pagpaslang sa kanyang asawa.


Marami ang mga nalungkot na mga kabarangay ng naturang kapitan lalo umano at magaling itong lider sa kanyang nasasakupan.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng Malasiqui PNP sa motibo ng nabanggit na krimen.