Naging matagumpay ang muling pagbubukas sa expansion ng limited face to face classes sa rehiyon 1 sa mga eskwelahan na napayagang magbukas matapos ibaba ang mga lugar sa Alert Level 2 status.

Ayon kay Deped Region 1 Director Dr. Tolentino Aquino, sa 77 nominated schools ay 54 lamang ang nakapag-umpisa ng in-person classes dahil sa ibat ibang kadahilanan.

Halimbawa dito ang limang paaralan na nakapagtala ng covid case sa lugar na kanilang kinaroroonan kaya hindi natuloy ang kanilang pagbubukas ng face to face classes dahil alinsunod sa guidelines kapag may covid case sa isang komunidad ay hindi na itutuloy ang klase at kinailangan munang maghintay ng 14 days at kapag tiyak na ang kaligtasan ng estudyante at mga guro ay maari ng magsimula.

--Ads--

Habang ang 18 pang eskwelahan ay minabuti na muling hingin ang pag sang ayon ng kanilang LGU at kung magbigay na resolusyon ang kanilang sangguniang bayan ay maaring sa mga sunod na araw ay maari na din silang magsimula ng klase.

Deped Region 1 Director Dr. Tolentino Aquino

Dagdag pa ni Aquino, wala pa namang naipaparating sa kanila na mga problema sa pagsasagawa ng in-person classes maliban lamang sa dagdag na hamon sa mga guro na maipatupad ang physical distancing dahil na rin sa masyadong pananabik ng mga estudyante sa kanilang pagbabalik klase.