DAGUPAN CITY – Inilikas ang nasa 54 na mga pamilya sa barangay Lucap sa siyudad ng Alaminos dahil sa mataas na lebel ng baha dulot ng bagyong Florita.
Ayon kay PMaj. Ria Tacderan, ang Public Information Officer ng Pangasinan PPO, ang mga residente ay kasalukuyang nasa evacuation center.
Aniya, nakaantabay naman ang kanilang hanay sa pagtulong sa pagrescue sa mga mamamayan na apektado ng naturang bagyo.
--Ads--
Daan-daang mga pulis ngayon ang nakastandby para matugunan ang pagtulong sa mga mamamayan ngayon.
Nakahanda na rin umano sila sa pagbibigay ng relief goods para sa mga apektadong mga residente.
Sa ngayon, apektado ang maraming mga lugar sa lalawigan ng Pangasinan ng malakas na buhos ng ulan dahil sa pananalasa ng nabanggit na bagyo.