Naitala sa Dagupan City sa Pangasinan kahapon ang pinakamataas na heat index sa Pilipinas ngayong taon, na nasa 53 degree celsius.
Heat stroke ang maaaring idulot ng ganitong kaalinsangang panahon.
Ito na ngayon ang pinakamataas na naitalang heat index sa bansa ngayong buwan ng Marso pa lamang.
Inaasahang titindi pa ang init na mararanasan sa mga susunod na linggo.
Ikinokonsiderang ‘dangerous’ ng PAGASA ang heat index na maglalaro sa 42 hanggang 51 degree celsius.
Matatandaan ang iba pang lugar sa Pilipinas na nakapagtala ng mataas na heat index ay ang mga sumusunod; Catbalogan sa Western Samar, na nakapagtala ng 46 degree celsius noong March 1
Muñoz sa Nueva Ecija na nakapagtala ng 45 degree celsius noong March 8 at Zamboanga City na nakapagtala ng 43 degree celsius noong March 11 gayundin sa Cotabato City na nakapagtala ng 43 degree celsius noong March 11 din.
Nagpaalala naman ang PAGASA sa publiko na manatili na lamang sa loob ng tahanan upang maiwasan ang mga sakit dulot ng init ng panahon.