DAGUPAN, CITY— Patay ang isang 53 anyos na lalaki matapos pagtatagain ng kaniyang kainuman sa Barangay Pangascasan sa bayan ng Bugallon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Major Noel Cabacungan ang Officer in charge ng Bugallon pnp nagiinuman ang suspek na si Alejandro Prado, 73 years old na residente ng nabanggit na lugar at ang biktima na si Hernando Baustista 53 years old na residente ng bayan Aguilar nang mangyare ang insidente.

Sa pagresponde ng kapulisan ay tulog at hindi magising sa sobrang kalasingan ang isa pa nilang kainuman kayat wala itong alam sa mga pangyayari.

--Ads--

Ayon pa sa opsiyal ay maaaring may mainit na pagtatalo ang suspek at biktima kayat sa kalasingan ng mga ito ay posibleng naisip nang suspek na tagain ng itak ang biktima

Nagtamo ng saksak ang biktima sa bandang kili kili at iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sa naging panayam naman ng kapulisan sa suspek ay sinabi nitong sinabi ng biktima na papatayin daw siya nito kayat inunahan niya na ang biktima bilang self defense.

Sa ngayon ay arrestado na ang suspek at sasampahan ng kasong pagpatay.

Dagdag pa ng opisyal ay simula nang maupo ito ay ito pa lamanng nagkaroon ng insidente ng patayan sa nabanggit na bayan at sa nakikita nito ay dala ng kalasingan at sobrang pagiinom ang nangyareng insidente

Nagpaalala din ito sa mga residente na kung maaari ay iwasan na ang paginom ng sobra upang makapag-isip ng maayos at hindi mahantong sa ganitong klase ng insidente.