Dagupan City – Mga kabombo! Nasubukan niyo na bang masabihan na mukha kang kalahating edad mo lang? Mala “babyface” ika nga.
Ayon sa ulat, may sikat kasing isang coffee shop sa London Bagel Museum Cafe sa Gangnam, Seoul, South Korea, dahil sa masasarap nitong pastries at friendly environment.
Ngunit hindi lang ang coffee shop ang atraksyon, kundi maging —ang owner na si Lee Hyo Jong.
Kinilala ang owner na ito na isang Fifty-two years old na si Lee, pero kung titingnan ay para lang siyang 25-anyos.
Hindi naman makapaniwala ang mga netizens, at ang opinyon ng ilan sa kanila ay dahil slim daw kasi ang cafe owner.
Nakakatulong din umano sa kanyang pagiging mukhang bata ang kanyang paraan ng pananamit at pagiging fashionista. Ang kanyang fashion sense ay nagmumula sa casual, grunge, artsy at kung minsan ay masasabi na ring eccentric.
Ngunit bagama’t viral na ito sa online sensation, hindi sinasamantala ni Lee ang kanyang instant popularity.
Nananatili itong low profile, at tinatanggihan ang imbitasyon ng traditional media at maging ng mga social media influencers na siya ay makapanayam.
Ayon sa Korean news website noong August 25, 2024, bukod sa negosyong bakery and cafe, pag-aari rin ni Lee ang fashion store na Artist Komplex.