Dagupan City – Palutang lutang at Bangkay na nang matagpuan ng awtoridad ang labi ng 52 na pedicab driver sa cayanga river sa bayan ng San Fabian.
Ayon kay Plt Mejia, Duty Officer ng San Fabian Pnp, pasado alas singko ng hapon noong araw ng Miyerkules huling namataan ang lalaki na lasing habang minamaneho nito ang kanyang bisikleta.
Lumalabas sa imbestigasyon na dahil sa kalasingan, aksidente umano itong nahulog sa creek kasama ang kanyang bisikleta.
Kaagad na rumesponde ang kapulisan kasama ang iba pang ahensya para magsagawa ng search and rescue operation. Ngunit, naging pahirapan ang paghahanap sa katawan ng biktima dahil sa malabo at madilim na tubig, bukod pa sa malakas na agos ng ilog na naging hadlang sa operasyon kaya’t bigo silang mahanap ang katawan ng biktima.
Kinabukasan nitong Huwebes nang mamataan at marekober katawn ng 52 anyos na lalaki na wala nang buhay.
Paalala ng mga awtoridad, iwasan ang paglabas o pagmamaneho lalo na sa mga lugar na may panganib kapag nasa ilalim ng impluwensiya ng alak upang maiwasan ang kaparehong insidente