Dagupan City – Inaresto ng mga tauhan ng Manaoag Municipal Police Station (MPS) ang isang 52-anyos na lalaking residente ng bayan batay sa warrant of arrest na inisyu laban sa kanya.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang suspek ay hinihintay ng mga operatiba sa kanyang tahanan sa Manaoag bago isagawa ang pag-aresto.

Matagumpay na natukoy at nakuha ng mga pulis ang lalaki na walang trabaho at may-asawa, kasunod ng paghahanda para sa operasyon.

--Ads--

Nakapaloob sa warrant of arrest ang kasong Falsification of Public Document na kinakaharap ng suspek.

May Inirekomenda ang korte na piyansa nito na nagkakahalaga PhP36,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa panahon ng operasyon, walang naganap na kaguluhan at maayos na sumunod ang suspek sa mga utos ng pulisya.

Dahil sa nangyari patuloy ang kapulisan na nagsasagawa ng mga operasyon para matukoy at arestuhin ang mga iba pang taong may utang na hustisya sa bayan.

Hinihikayat din nila ang mga mamamayan na makipagtulungan sa pulisya kung may alam silang impormasyon tungkol sa mga taong may kasong nakabinbin.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Manaoag MPS ang suspek habang inaasahang maipapadala siya sa korte para sa pagsusuri ng kanyang kaso.

Binibigyang-diin din ng pulisya na ang kanilang operasyon ay palaging isinasagawa alinsunod sa batas para tiyakin ang mga karapatan ng mga indibidwal.