Dagupan City – Arestado ang 52-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pozorrubio Police Station (PS) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office I (PDEA-ROI) kamakailan sa Brgy. Dilan, sa bayan ng Pozorrubio.
Kinilala ang suspek na si Aquilino Diaz Solis Jr., alyas “Butog,” isang construction worker, may asawa, at residente ng Zone 5 sa nasabing barangay.
Nakuha sa operasyon ang isang gramo ng hinihinalang shabu na may street value na PhP6,800, na nakalagay sa dalawang heat-sealed transparent plastic sachets kasama ang isang piraso ng PhP100.00 at isang piraso ng PhP1,000 boodle money.
Dinala ang suspek at ang mga ebidensiya sa himpilan ng kapulisan para sa kaukulang disposisyon habang mahaharap ito sa kasong RA. 9165 o ang Comprehensive Dangerous drugs act of 2002 na inihahanda na ng kapulisan.