DAGUPAN CITY- Naging mapayapa at maayos ang pagsisimula ng klase ngayong araw para sa school year 2025-2026 sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan dito sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Dr. Rowena Banzon ang siyang CESO V ng Schools division superintendent ng School Division Office (SDO) Dagupan City na ipinagpasalamat nito dahil sa mga ginawang paghahandang bawat school head magmula sa brigada eskwela at ngayong balik eskwela.
Kung saan ay nagsagawa rin sila ng pagbasa para sa mag-aaral lalong Lalo na sa mga mag-aaral na kinakailangan matutukan para sa kanilang reading assessment, kaugnay na rin sa tema ng brigada eskwela.
Kaya isa sa kanilang isinusulong para sa lahat ng mga kaguruan na alamin muna ng mga ito ang kanilang mga estudyante kung sino ang may mga kakayahan na bumasa at ang mga nahihirapan pa nang sa gayon ay matulungan sila at maturuan kaya naman isa ito sa kanilang tutukang ngayong school year.
Anya na base sa kanilang datos sa ngayon ay umabot na sa 32,000 ang bilang ng mga learners at inaasahan naman nila ang malaking bilang na 50,000 para sa pribado at pampublikong paaralan ng SDO Dagupan City.
Samantala, nasa labindalawang paaralan ang nagpatupad ng double shifting dahil naka-under construction ang mga classroom ng mga ito habang yung iba naman dahil sa epekto ng pagbaha.
Dagdag pa nito na sapat naman ang mga kaguruan ngunit umaasa pa rin sila na madaragdagan ang mga ito.