Malawak ang nasirang palayan sa barangay Buenlag sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan sa nagdaang bagyong Emong at habagat.

Ayon kay Kgwd. Nody Ramos, Vice President, Brgy. Buenlag, Mangaldan Farmer Irrigators sa panayam ng bombo radyo Dagupan, umaabot sa 50 hectares ang nasirang palayan sa buong barangay nila.

Matagal na nilang nararanasan ang pagbaha dahil may mababang parte sa kanilang barangay subalit mas mataas ngayon kung ikumparanoong nagdaang mga taon dahil umapaw sa kalsada ang tubig baha.

--Ads--

Hindi nila aniya napag handaan dahil hindi nila inakalang ganito ang itataas ng tubig.

Lagpas beywang ang taas ng tubig at hindi talaga makita ang mga palayan.

Karamihan sa mga nasira ay mga bagong tanim na palay.

Sa ngayon ay wala pang natatanggap na tulong ang mga magsasaka mula sa lokal na pamahalaan subalit, balak nilang maqgpunta sa munisipyo para iparating ang kanilang problema.

Panawagan nila sa lokal na pamahalaan na mabigyan sila ng binhi para sila ay makapagtanim ng panibago.

Napag alaman na nakapirma na sila sa Philippine Crop Insurance upang makakuha ng insurance pero hindi ito sapat para sa mga magsasaka.