Nakapagtala ng 50 na bagong active cases at 80 recoveries dito sa lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), sumampa na sa 1,496 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 1,159 ay mula sa 44 na bayan ng lalawigan habang 337 mula sa lungsod ng Dagupan.

Wala namang naitalang namatay dahil sa sakit kahapon.

--Ads--

Sa nasabing bilang, pumalo na sa 1,080 ang total recoveries, habang nananatili sa pagamutan ang 362 na pasyente at nasa 54 na ang nasawi sa sakit.