DAGUPAN CITY- Nasawi ang isang 5 anyos na bata sa bayan ng Calasiao matapos itong malunod sa isang resort.

Ayon kay PLt. Col. Ferdinand S. Lopez, Chief of Police, Calasiao PNP, ang biktima ay residente ng Brgy. Lumbang, sa nasabing bayan.

Base sa kanilang imbestigasyon, nagkakasiyahan ang ama ng nasabing bata kasama ang mga kaibigan nito kaya napabayaan ito. Ilang sandali lamang, hindi na ito nakita ng kaniyang ama at inakalang umuwi na ito sa kanilang bahay kasama ang ina nito.

--Ads--

Kalaunan ay napag-alaman na lamang nila na nalunod na ang kanilang anak.

Agad naman itong iniahon at dinala sa ospital, subalit, idineklara din itong dead on arrival.

Nakipagkasunduan naman ang nasabing resort na magbibigay ng tulong sa pamilya ng nasawing bata.