Dagupan City – Nakaranas ng pagbaha ang 5 sitio at kabuuang 75% sa barangay Poblacion Oeste dahil sa Bagyong Enteng.

Ayon kay Punong Barangay Mark Anthony Guttierez, sa 7 sitio na mayroon sila, 5 sitio na ang nabaha o katumbas ng 75 % sa mga ito ang apektado.

Kinabibilangan naman ito ng sitio babaliwan, macario, carmona at 2 pang sitio na sakop ng Careenan Creek na umabot na sa tinatayang lagpas tuhod.

--Ads--

Aniya, magmula nang maupo ito sa pangka-kapitan taong 2018, ganito anng nadatnan niya ang sitwasyon kung saan sa tuwing sumasapit ang buwan ng mayo hanggang nobyembre hindi na humuhupa ang tubig.

Hinggil naman sa dengue cases at leptospirosis, patuloy aniya ang kanilang monitiring habang nagpaalala naman ito sa mga magulang na huwag paglaruin ang mga anak sa labas o hayaan na maligo sa tubig baha.