BOMBO DAGUPAN- Karagdagang 5 Palestino ang napaslang ng Israeli forces sa kanilang pangalawang araw sa pagsasagawa ng raid sa West Bank.

Saad naman ng Israel Defense Forces na ang mga nasabing nasawi ay mga terorista na nagtatago sa loob ng mosque sa Tilkarm, malapit sa boundary ng Israel.

Sinabi din nila na nakapaslang din nila ang 9 na militante kung saan 5 dito ay Jenin at Tulkarm, at 4 na al-Faraa refugee.

--Ads--

Suablit, 12 katao ang naitala ng Palestinian health ministry ang napaslang sa pag-atake ng IDF.

Dahil dito, ipinatawag ni UN Secretary General Antonio Guterres ang agarang pagtigil ng Israel sa kanilang operasyon. Ani Guterres, lalo lamang nito pinapalala ang sitwasyon.

Hinimok niya ang mga pwersa ng Israel na magkaroon ng kasanayan sa maximum restraint at paggamit ng lethal force kapag kinakailangan lamang.