Dagupan City – Patuloy pa rin ang karera ng 5 natirang mga Pilipinong atleta tungo sa medalya sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics.
Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, ang mga ito ay mula sa Wightlifting sa kategoryang 50kg na si Vanessa Sarno, Elreen Ann Ando, John Ceniza, Filipino boxer Nesthy Petecio, Aira Villegas.
Bagama’t bigo naman si Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos na nagtapos ito sa pang-apat na puwesto, hindi naman aniya ito binigo ang puso ng mga taga-hanga na patuloy na ibinibigay ang suporta sa kaniya.
Isa naman aniya sa maaring dahilan kung bakit medyo kinapos ang performance ni Obiena ay dahil sa na-stcok ito sa 5.9 taliwas sa ginawa ng kalaban nitong Greek na sinubukan ang 6 Meters dahilan upang makamit nito ang Bronze Medal.
Si Obiena ay isa sa mga pinaingay ang pangalan sa 2024 Paris Olympics, dahil sa ipinakita nitong kagalingan dahilan upang maging laman ito sa mga balita sa Paris at sa buong mundo.
Si Obiena ay nagtapos matapos makapagtala sa ikatlo at huling attempt niya sa 5.95m, ngunit ang naging malinis lamang na kaniyang pagtalon ay noong 5.90 meters.