DAGUPAN CITY– Maayos nang kalagayan ng limang mag-anak matapos malason sa kabuteng kanilang kinain mula sa kanilang bakuran sa barangay Nagsaing, sa bayan ng Calasiao.

Natagpuan umano ang kabute sa gilid ng puno ng niyog na siyang tumubo matapos ang pag-ulan.

Ilang oras matapos kainin ng naturang mag-anak ang kabute ay nakaramdam na ang mga ito ng paglalaway at pag-susuka.

--Ads--

Dalawa sa kanila ang na-confine bagaman sa kasalukuyan ay maayos na ang kalagayan ng lahat.

Ayon naman sa ilang eksperto sa pangkalusugan, hindi nila iniingganiyo ang publiko na basta na lamang kumain ng anumang kabute dahil taglay umano ang maraming toxins.

Ilan sa sintomas ng pagkalason ay ang pagdudumi at pagsusuka na siyang posibleng magdulot ng pagka-paralisa at maging sanhi ng pagkamatay.