Nahaharap sa patong patong na kaso ang limang katao matapos maaktuhang nagbebenta ng daan daang LPG tank sa Bayambang, Pangasinan.

Idinulog ng isang pribadong kumpanya sa CIDG Pangasinan ang umanoy iligal na pagbebenta ng mga LPG tank.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit sa 400 tangke ng LPG na sakay ng tatlong truck.

--Ads--

Sinasabing ang palitan ng tangke ay nagaganap sa bayan ng Bayambang.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng mga suspek ay ang paglabag sa intellectual property code of the Phils.