Magsasampa ng kasong paninirang puri ang 5 kalalakihan laban kay former US President Donald Trump dahil umano sa komento nito sakanila sa presidential debate noong Setyembre.

Ang demanda ay tumutukoy sa mga komento na ginawa ni Trump sa sinabi ni Kamala Harris na siya ay naglabas ng isang full-page ad sa isang dyaryo na nananawagan para sa pagpatay sa limang inosenteng kalalakihan.

Sinagot ito ni Trump na inamin umano ng mga ito ang pagkakasala at nangangahulugan lamang ito na nakasakit sila ng isang tao, at ang malala ay nakapaslang.

--Ads--

Subalit ay wala naman talagang hinatulan ng “guilty” sa limang kalalakihan at wala rin ang napaslang.

Kinilala ang mga ito na sina Yusef Salaam, Raymond Santana, Kevin Richardson, Antron Brown at Korey Wise at mas kilala sila bilang Central Park Five dahil sa kaso.

Nabigyan linaw na rin nila ang kanilang pangalan mula sa maling akusasyon at pagkakahatol sa naturang krimen noong 2002 sa pamamagitan ng DNA evidence at pagsaksi ng isang lalaki sa insidente.

Ayon naman sa abugado ng mga ito na nagdulot ng emotional distress sa limang kalalakihan ang naging komento ni Trump.