Arestado ang limang drug personalities matapos ang matagumpay na buy bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan sa Brgy. Lasip Grande sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay PDEA Pangasinan Asst. Provincial Officer/Team Leader Rechie Camacho, ang limang arestado ay naaktuhan pa na nagkakaroon ng pot session.
Kasabay ng pagkakahuli sa mga suspek ang pagkaka diskubre ng kanilang drug den.
Itinuturing ni PDEA na malaking accomplishment ang isinagawang buy bust operation dahil mga high value target ang mga suspek dahil sa laki na rin ng halaga ng mga nakumpiskang illegal na droga.
Nakumpiska sa mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P74, 800 , assorted drug paraphernalia na ginagamit sa kanilang pot session, cellphone, id at isang motorsiklo.
Nabatid na matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang mga suspek base sa report mula sa kanilang impormante.
Ang mga nakumpiskang mga drug evidence ay isusumiti sa crime laboratories para sa drug analysis.