DAGUPAN CITY- Isang 5 anyos na batang lalaki ang nasa Kritikal na kondisyon matapos mabangga at magulungan ng isang pick up sa bayan ng San Jacinto pasado alas 3 ng hapon kamakailan lamang.
Ayon kay PMaj. Napoleon Velasco, ang Chief of Police ng San Jacinto PNP, bigla umano tumawid ang bata sa kalsada sa pag aakalang walang sasakyan ang dadaan sa mga oras na iyon hindi rin umano napansin ng driver ang tumatawid na siyang naging dahilan para mangyari ang insidente.
Dahil diyan, malalang injury ang natamo ng bata sa ibabang bahagi ng katawan na siyang dahilan para ideklara ng doctor na kritikal ang kondisyon nito.
Hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima at nagkasundo na lang sila sa gastusin sa pagpapagamot sa biktima.
Samantala, batay sa pinaka huling ulat na nakuha ng pnp matapos ang ilang araw nang mangyari ang insidente nasa maayos na kalagayan na ang biktima at patuloy pa rin sa pagpapagaling.
Paalala naman ni Velasco sa mga magulang na bantayan maigi ang mga anak lalo na kung hindi pa gaanong kabisado tumawid sa kalsada.