DAGUPAN CITY- Lubos ang naging pasasalamat ng mga residente mula sa Barangay Pugaro, sa bayan Manaoag sa muling pagbisita ng NAPOLCOM Pangasinan para sa kanilang 4th anunual gift giving activity bilang bahagi sa selebrasyon ng Police Community relations ngayong buwan ng hulyo.

Katuwang ng nasabing ahensya ang PNP at ilang mga opisyal, kabilang na si Manaoag Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” Rosario ang mga aktibidad kung saan namahagi sila ng mga laruan, food packs, damit, meal food, at iba pa.

Ayon sa alkalde ng bayan, taon-taon nila binibisita ang naturang barangay dahil nakita ng Napolcom na ang hanapbuhay ng mga residente ay ang dumpsite na malapit sa kanila.

--Ads--

Bukod pa riyan, may ibinahagi rin nila ang programang pailaw para sa mga residente ng Sitio Baloking.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Philip Raymun Rivera, Provincial Head ng Napolcom Pangasinan na tuloy-tuloy ang kanilang mga aktibidad sa Police Community Relations bilang bahagi ng kanilang adhikain na mapalapit ang maganda at maayos na relasyon ng kapilisan sa komunidad.

Ibinahagi rin ni Brgy. Captain Bonifacio Bigay na umaabot sa 200 na mga pamilya ang nabahagian ng tulong.

Aniya, hindi nagiging problema para sa mga ito ang pagtatrabaho sa dumpsite dahil mayroon naman tulong ang brgy sa mga ito para mapanatili ang kanilang kalusugan at kaligtasan.