Arestado ang 49-anyos na lalaki sa bayan ng Sison sa lalawigan ng Pangasinan matapos na pagsamantalahan ang anak ng kaniyang pamangkin.


Ayon kay PCapt. Teofilo Petalver III, Deputy Chief of Police ng Sison Municipal Police Station, nangyari ang insidente dakong alas -12 ng madaling araw sa Brgy. Camangaan sa naturang bayan.


Aniya, idinulog ng pamangakin ng suspek na kinilalang si Conrado Aquino Penuliar, ang naturang pangyayari sa kanilang himpilan kung kaya’t agad naman nila itong inimibistigahan. Batay sa salaysay ng pamangkin ni Conrado, minulistya ng suspek ang kaniyang anak noong buwan ng setyembre.

--Ads--


Sa inisyal namang imbistigasyon ng kapulisan, lumalabas na walang masyadong nagbabantay at nangangalaga sa biktima dahil na rin sa hiwalay ang kaniyang mga magulang, kung kaya’t maaaring isa ito sa nakikitang pagkakataon ng suspek upang isagawa ang pang-hahalay.


Nahaharap naman ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610, na may kaukulang bail na P108,000.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa kustodiya naman na ng Sison Municipal Social Welfare and Develpment ang biktima.


Kaugnay nito, ito na ang pang-apat na kaso ng pang-momolistya sa kanilang bayan.
Paalala naman ni Petalver sa publiko, alagaan ang mga anak at huwag iiwan basta-basta ang mga ito nang sa gayon ay maiwasan ang naturang insidente.