Dagupan City – Nakumpiska ang nasa 1.8 grams ng hinihinalang shabu sa bayan ng Asingan mula sa isang barbero.

Maituturing na isang Street Level Individual ang akusado na kinilala bilang 49-anyos na residente sa Dagupan City.

Naaresto ito sa pamamagitan ng anti-illegal drug buy-bust operation ng Asingan Pnp kasama ang PDEA Region 1.

--Ads--

Nangyari ito ng madaling araw kung saan nasa tinatayang 12,240 pesos ang halaga ng kabuuang nakumpiska at ito ay 3 piraso na nakalagay sa heat-sealed transparent plastic sachet.

Bukod sa droga ay nakuha din sa kanyang pangangalaga ang iba pang ebedinsya gaya ng 500 peso bill na ginamit bilang buy-bust money, 2 piraso ng PhP1,000.00 peso bill na boodle money (used as buy-bust money), isang unit ng celphone, 1 itim na wallet at 4 na IDs.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ito ng kapulisan kung saan mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.