Umabot ng 48°C (Danger Category) ang naitalang #HeatIndex dito sa lungsod ng Dagupan kahapon.

Ayon kay Shalom Balolong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, nasa 32.7°C ang naitalang maximum temperature at 81% Humidity.

Paliwanag ni Balolong na mapanganib ang dulot ng 41-54°C na heat index dahil mataas ang tsansang magkaroon ng heat CRAMPS at HEAT exhaustion. Posible itong mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang physical activity.

--Ads--
Shalom Balolong – PDRRMO

Aminado si Balolong na maging sila ay namamangha sa klima sa bansa ngayong taon dahil paisa isa o pakunti kunti ang ulan.

Isa sa factor aniya ay ang nararanasang climate change. Ang ganitong lagay ng panahon ay magtuloy tuloy umano na mararanasan sa mga susunod na araw at linggo.

Shalom Balolong – PDRRMO

Payo ni Balolong sa publiko na manatili lang sa loob ng bahay kung wala namang gagawin sa labas dahil puwedeng magkaroon ng trangkaso, ubo at sipon dahil sa paiba ibang lagay ng panahon. Ugaliin ding uminom ng tubig para maiwasan ang dehydration at ibang sakit.