Matagumpay na nadakip ng mga tauhan ng San Jacinto Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking tinutugis ng batas sa nasabing bayan.
Natukoy ang nasasakdal na nasa edad 48, may asawa, nagtatrabaho bilang drayber, at nakatira rin sa munisipalidad ng San Jacinto.
Isinagawa ang pagdakip sa kanya sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na inilabas kaugnay ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property o pagpapabaya sa gawain na nagdulot ng pinsala sa ari-arian.
--Ads--
Itinakda ang inirerekomendang halaga ng piyansa sa halagang anim na libong piso (PhP 6,000.00) sa suspek
Sa kasalukuyan, nananatili sa ilalim ng kustodiya ng San Jacinto MPS ang nasasakdal habang hinihintay ang kaukulang hakbang at paglilitis kaugnay ng kanyang kaso.










