Arestado ang isang 47-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Urbiztondo Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Fernan L. Rivera, Acting Chief of Police, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office 1, bandang alas-5:50 ng hapon noong Pebrero 11 sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.
Ang suspek ay residente ng Mangatarem, Pangasinan.
Nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang isang gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na humigit-kumulang Php 6,800.
--Ads--
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang naaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 o pagbebenta at Section 11 o pag-iingat ng iligal na droga sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










