Pinayagan nang makapasok sa lalawigan ng Pangasinan ang nasa 46 Pangasinenses na naestranded sa Regional Border Control Point sa Tarlac-Rosales Boundary sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Pangasinan Provincial Police Office Director pol. col. Redrico Maranan, ang mga stranded Pangasinenses ay sinundo ng mga Local Government Units at isinailalim muna sa swab testing ang mga ito.
Habang hinihintay ang resulta ng kanilang tests ay sila ngayon ay hindi pa pwede umuwi sa kanilang mga tahanan.
Bagkus, alinsunod sa protocol ay sila ngayon ay nasa Temporary Quarantine Facility.
Giit ni Maranan na kailangan pa nilang sumailalim sa mga tinatawag na medical procedures para masigurado na sa pagpasok nila ay wala silang dala-dalang virus.
Samantala, iniutos ni Pangasinan Governor Amado I. Espino III sa Provincial Health Office na isagawa ang mass testing sa mga nasabing stranded Pangasinenses gamit ang nasopharyngeal at oropharyngeal swabbing.
Habang hinihintay ang resulta ng kanilang tests ay sila ay isinailalim sa quarantined sa loob ng panibagong 14 araw sa kani kanilang municipal at city quarantine facilities.
Bukod sa kalagayan ng mga ito, tinitiyak ng Provincial Government na may sapat silang pagkain, sapat na medical intervention, at security bagay na laking pasasalamat naman ng mga kababayan.
Nauunawaan daw nila ang ginawang paraan ng gobyerno para sila ay makauwi na sa kani kanilang tahanan.