DAGUPAN CITY — Patay ang isang 45 anyos na security guard matapos pagbabarilin sa Brgy San Felipe Sur, sa bayan ng Binalonan.
Sa nakalap na impormasyon mula sa PNP, ang biktima ay kinilala bilang si Mark Mesa Dee na residente ng Brgy Bantog, sa bayan ng Asingan.
Sa insiyal na imbestigasyon lumalabas na ang biktima ay papunta sanang bayan ng Binalonan sakay ang kaniyang motorsiklo nang ilang beses itong barilin nang hindi pa kilalang suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo.
--Ads--
Naitakbo pa ang biktima sa Urdaneta District Hospital ngunit ideneklara na itong dead on arrival.
Sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang krimen. (With reports from Bombo Adrianne Suarez)