BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang 44-taong gulang na babae matapos saksakin ng kaniyang tiyuhin sa bayan ng Binmaley.

Ayon kay PLT. Ronaldon Aquino, Police commissioned Operation officer at investigator ng Binmaley PNP kinilala ang biktima na si Lea Victorio Apilado, 44 ​​taong gulang, may asawa, habang ang suspek naman ay kinilalang si Cesario Tayab Casaclang, 64 anyos, may live-in partner, driver, parehong residente ng Brgy. Baybay Lopez sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.

--Ads--

Agad namang isinugod sa Lingayen District Hospital para magamot ang biktima ngunit idineklara ding Dead on Arrival (DOA) ng kanyang attending physician dahil sa natamong saksak na tumama sa kanang dibdib nito.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa pulisya at sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Binmaley PNP habang hinahain ang karampatang kaso sa ginawang pananaksak.