Makakasama ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang 44 detainees sa masikip na detention cell na kaniyang paglalagyan sa Pasig City Jail female dormitory.

Tiniyak ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesman Supt. Jayrex Bustinera ang seguridad ni Guo para sa gagawing turnover nito ngayon araw kung saan magmumula pa siya sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, sa Quezon City.

Bumuo din ang BJMP ng response team ng mga babaeng jail officers upang samahan si Guo sa pagdalo nito sa court hearings.

--Ads--

Ani Bustinera, ang selda ni Guo ay ginawa upang magkasya lamang ang 9 na detainees at mayroon itong industrial fan at comfrot room. Napapanatili din ang kaayusan nito.

Nagsagawa din ng background check sa mga makakasama ni Guo. Aniya, ang mga ito ay hindi mga bayolente o maituturing na high risk.