Nahuli ng mga otoridad ang isang 44-anyos na lalaki, may asawa, OFW, at residente ng Bayambang sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Basista, Pangasinan.

Isinagawa ang pag-aresto ng mga operatiba ng 105th Maneuver Company, RMFB1, kasama ang mga tauhan ng Basista MPS, PIT Pangasinan RIU1, at AVSE 3, sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) para sa paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

May kaukulang piyansa ang kaso sa suspek na nagkakahalaga ng Php36,000.00.

--Ads--

Samantala, gumamit naman ang mga awtoridad ng Alternative Recording Device habang kinumpirma rin na ang suspek ay nakatala bilang arestado sa PNP Enhanced e-Warrant at National Police Clearance System.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Basista RHU para sa physical at medical examination.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Basista MPS para sa proper documentation at disposisyon.