DAGUPAN CITY– Patay ang isang 44-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng matalik na kaibigan sa bayan ng Manaoag sa lalawigan ng Pangasinan.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Ricardo Gomez matapos magtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan dulot ng ginawang pananaga ng suspek na matalik nitong kaibigan na si Rigor Rosario.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, sumugod ang biktima sa tahanan ng suspek na pinagbintangan niyang nagbabato ng bahay.

--Ads--

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na humantong sa pananaga.

Bago ang insidente ay nagkainuman pa umano ang dalawang magkaibigan.

Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang itak na ginamit sa pananaga.

Boluntaryo ring sumuko sa pulisya ang nasabing suspek at inihahanda na ang kasong isasampa rito.