Mga kabombo! Mahilig ka rin bang uminom ng beer?

Baka ito na ang sign para iwasan mo ito?

Nasawi kasi ang 44-anyos na lalaki sa Rayong, Thailand umanong mabuhay sa pag-inom lamang ng beer sa loob ng mahigit isang buwan.

--Ads--

Kinilala ang biktima na si Thaweesak Namwongsa. Ayon sa ulat, rumesponde ang mga rescue worker noong nakaraang linggo matapos makatanggap ng tawag na si Namwongsa ay inatake ng seizure at nawalan ng malay hanggang sa tuluyan na nga itong binawian ng buhay.

Dito na tumambad sa mga awtoridad ang higit sa 100 bote ng beer na maayos na nakahanay sa sahig ng silid-tulugan ng biktima.

Ayon sa kanyang anak, araw-araw niya itong ipinagluluto ng pagkain, ngunit palagi itong tuma­tanggi at beer lamang ang kinokonsumo sa loob ng mahigit isang buwan.

Lumalabas naman na ginawa umaano ito ni Namwongsa ang pag-inom upang makalimutan ang pighati ng kanyang pakikipaghiwalay sa asawa.