Dagupan City – Naaresto ang isang 44-anyos na lalaki sa Brgy. Guesang sa bayan ng Mangaldan dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at sa pagbabanta sa isang 65-anyos na babae.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima noong ika-5 ng Oktubre bandang 9:50 ng gabi.
Dito, nagpakita umano ang suspek ng baril at nagbanta sa biktima kung saan nagdulot din ng kaguluhan ang suspek dahil sa kanyang pagiging magulo at pagbibitiw ng mga pananalitang nagbabanta.
Matapos ang insidente, umuwi ang suspek ngunit sumesponde ang mga tauhan ng Mangaldan Municipal Police Station (MPS) at naaresto ito.
isinagawa naman dito ang body search kaya nakumpiska mula sa kanya ang isang .38 caliber revolver ngunit walang bala.
Dinala ang suspek sa Mapandan Community Hospital para sa medical examination.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek para sa tamang disposisyon .