Saksak sa ibat ibang parte ng katawan at sa maselang bahagi nito ang inabot ng isang 43 anyos na kalaguyo na ginang matapos mahuli sila ng legal asawa na aktong nagtatalilk ng kanyang mister sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay PLt./Col. Jun Wacnag, COP ng Mangaldan PNP, batay sa kanilang isinagawang imbestigasyon, palihim ang relasyon ng dalawa at ngayon lamang nalaman ng legal na misis ang kanilang ugnayan matapos na maaktuhan ang insidente.

Sa pakikipanayam ng kapulisan sa naturang misis, ramdam na nitong tila mayroong relasyon ang dalawa ngunit kaniya lamang itong isinasantabi hanggang sa maaktuhan ang ginawang kahalayan ng sarili nitong mister at ng kaniyang kalaguyo.

--Ads--

Bago ang insidente ay nagpunta ang biktima sa bahay ng suspek upang makipag-inuman dahil sa kaarawan ng lalaki, lingid sa kaalaman ng dalawa na naghihinala na pala ang legal na asawa at sila’y sinundan ng palihim.

Nang sila’y maaktuhan, nagawang makatakbo ng lalaki at naiwang nakahiga ang babae at dito na nagdilim ang paningin ng misis at nagawa nitong saksakin ang kalaguyo ng kaniyang mister.

Nabatid na mayroong 2 anak ang mag-asawa.

Sa ngayon, wala pa namang binabanggit ang magkabilang panig kung sila ay mag habla ng kaukulang kaso ngunit ayon kay Wacnag, posibleng kaharapin ng lalake at ng kalaguyo nito ang kasong Adultery at Concubinage.