Dagupan City – Patay ang 43-anyos na babae sa syudad ng San Carlos, Pangasinan matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang tahanan.

Ayon kay Plt Col. Jose Abaya II, Chief of Police ng San Carlos City Police Station habang naglilinis sa bahay ang biktima ay bigla na lang pumasok gamit ang back door ng dalawang lalaki at bigla na lang din itong pinagbabaril.

Kainilala naman ito na si Leizel Quimson Martin, residente ng Barangay Balite Sur sa naturang syudad kung saan ay nagtamo ito ng tama ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang katawan, habang agad namang nakatakas ang dalawang hindi pa tukoy na lalaki matapos ang pamamaril.

--Ads--

Narecover naman sa pinangyarihang insidente ang baril na ginamit sa pagpatay at isa sa nakikitang dahilan kung bakit ginawa ang krimen ay dahil sa asset ito ng hanay ng kapulisan kung kaya’t maaring pinag-initan ang mga ito.

Malinaw rin aniya na target talaga si Leizel dahil malapit lamang sa pinangyarihan ang kaniyang asawa ngunit hindi ito tinagkang saktan ng mga suspek.

Sa kasalukuyan, inaantay pa ang pagsasalita ng asawa nito kung ano nga ba ang nangyari o baka may iba pang motibo ang mga suspek.