Umaabot sa kabuoang 42,600 na pamilya sa lungsod ng Dagupan ang napektuhan ng nagdaang bagyong Emong at habagat.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez, nangako ang Department of Social Welfare and Development o DSWD region 1 na sila ay tutulong sa ciudad na isa sa mga labis na nasalanta ng kalamidad.
Prayoridad aniya rito ang mga mangingisda,magsasaka, transport sector, vendors at mga mangagawa na hindi nakapasok sa trabaho.
Ipinaliwanag ng alkalde na ang naranasang baha ay pinagsamang ulan, high tide at pagapaw ng mga kailugan at sapa.
Dahil dito ay naging pahirapan ang pagtugon dito.
Samantala, ipinagmalaki naman ng alkalde ang mga napataas na kalsada sa ilang bahagi ng ciudad.
Ipagpapatuloy aniya nito ang kanyang programa na pataasin ang mga mainroad at palawakin ang drainage.
Tiniyak naman nito na susunod na aayusin ang ibang kakalsadahan partikular sa may kahabaan ng public market ng ciudad.
Nabanggit na aniya niya ito sa Department of Public Works and Highways at siya ay nagbabalak makipagpulong sa regional director upang magawa ang iba pang main road dito sa lungsod.