Dagupan City – Naipaabot na sa 421 na pamilya na benipisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng City Social Welfare and Development Office at ng CMO-Social Services Unit ang tulong pinansyal dito sa lungsod ng Dagupan.

Ang programa ay isang pagtugon ng siyudad sa iba’t ibang pangangailangan ng mga mamamayan, kabilang ang medikal, burial assistance, pagkain, edukasyon, kabuhayan, at iba pa. Layunin ng programa na mapabuti ang kalagayan ng mga nangangailangan sa pamamagitan ng direktang pagbibigay ng tulong at suporta.

Sa pangkalahatan, ang layunin ng programa ay magbigay ng suporta at tulong sa mga nangangailangang pamilya at indibidwal upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

--Ads--