Dagupan City – Sa social media, halos hindi na mabilang ang mga nagkalat na influencers.

At isa na nga sa nag-viviral ay ang influencer na dinadagsa ngayon sa Pasay City na si Diwata, ang social media personality na may-ari ng isang trending na paresan restaurant.

Ayon sa ulat, mapa-kilalang influencers na may milyun-milyong followers o small creators man iyan ay lumulusob sa Diwata Pares Overload para kumain lamang ng pares, at kuhanan ng footage ng may-ari nito.

--Ads--

Bagama’t maami na ang napaulat at ikinakabit na mga issue kay Diwata, ngunit hindi ito natinag at ipinagpatuloy pa rin niya ang pagpapares.

Hanggang sa naging matagumpay ang kaniyang negosyo. Lubos naman ang pagpapsaalamat ni Diwata sa mga tumatangkilik sa kaniyang paresan dahil aniya, dahil sa pares ay nakaalis na rin siya sa ilalim ng tulay at sa katunayan, mayroon na itong maliit na bahay at nakabili na rin ng sasakyan.

Ilan sa mga artista at celebrity na bumisita na sa Diwata Pares Overload para makilala si Diwata at gumawa ng content kasama siya ay sina Alex Gonzaga, Lassy, Marvin Agustin, at ang influencer na si Rosmar Pamulaklakin.

Sa vlog ng female celebrity ay kinapanayam niya ang sikat na paresan owner. Nag-try rin magluto si Alex bago siya kumain ng sikat na pares.

Sa isa pa namang vlog na pinost nung May 8, 2024, ipinakita na binigyan ni Rosmar ang trending personality ng mga gamit sa bahay tulad ng unan, kutson, mesa upuan at ang tsekeng may one million pesos from a skincare brand, at 100,000 cash from a makeup brand.