DAGUPAN CITY- Naging mapayapa at maayos ang kabuoang paghahain ng mga aspirants sa lalawigan ng Pangasinan sa buong linggo ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa nalalapit na Local at Midterm Election sa 2025.
Ayon kay Atty ericson Oganiza,Supervisor ng Provincial Comelec, na nakiisa lahat ng mga aspirant at gayundin ang kanilang mga supporters upang maging maayos, organisado at mapayapa ang pagpasa ng kanilang kandidatura simula noong October 1 hanggang October 8.
Base sa kanilang datos ay nasa 42 mga aspirant ang naghain ng kanilang kandidatura mula sa iba’t ibang posisyon sa probinsya. Dalawa sa pagkabornador, dalawa sa bise governador, dalamput anim para sa sangguniang panlalawigan na binubuo ng anim na distrito. habang sa member of house of representative naman ay nasa kabuuang labindalawa ang naghain ng kanilang kandidatura na binubuo rin ng anim na distrito sa lalawigan.
Para sa posisyon na Governor ang maglalaban ay si incumbent Governor Ramon Mon Mon Guico III at kanyang Partido ay National party o NP at si Dating Governor Amado espino III ng Abante Pangasinan-Ilokano Party o API
Habang dalawa rin sa Bise Gobernador na sina Incumbent Vice Governor Mark lambino mula sa Lakas Christian Muslim Democrats party o LAKAS-CMD at si dating Dasol Mayor Noel Nacar ng API party.
Samantala, nagfile ng kanilang certificate of candidacy para sa sangguniang panlaalwigan sa 1st district ay sina Apple Bacay ng nacionalista party, Ricky Camba ng Api Party at Napoleon Fontelera ng nacionalista party.
Sa 2nd district ay sina Theodore Philip Cruz ng nationalista people’s coalition; at sina Dondon Fernandez at Manuel Merrera, na independent aspirants, Atty. Haidee Pacheco ng nationalista party at si Niki boy Reyes ng Api Party.
Para naman sa 3rd district ay sina Dra. Shiela Baniqued ng nacionalista party, Joseph Arman bauzon ng API Party, Eduardo Gonzales ng Partido pederal ng Maharlika, Generoso Tulagan Jr ng Nationalist peoples coalition at Vici Munda ventinilla nationalist party.
Para sa 4th district ay sina Noy De Guzman at Rosario Jerry ng Nacionalista Party at Aldrin Soriano ng API party.
Samantala sa 5th district ay sina Rose Apaga ng API party, Jesus Basco at si Loui Sison ng LAKAS CMD party.
Sa 6th district para sa sangguniang panlalawigan ay sina Walter Aquino at Noel Bince na independent, Shiela Marie Sison at Ricardo Revita ng Nationalist Peoples Coalition Ranjit Shahani ng liberal party, at Rebecca Saldivar nationalist party.
Samantala, nagfile ng kandidatura naman para sa member of house of representative para sa 1st district ay si Arthur Celeste ng nationalista party, 2nd district ay si Mark Cojuanco Nationalist Peoples Coalition party at Leopoldo Batoil ng National unity party.
Sa 3rd district ay sina George Absolor ng Partido Pederal ng Maharlika, Rachel Arenas ng LAKAS CMD at si Gener Tulagan, independent.
Para sa 4th district ay sina Manay Gina De venecia ng LAKAS CMD at Alvin Fernandez, independent.
Sa 5th district naman ay sina Franco San Juan Del Prado ng Partido pederal ng Maharlika at Ramon Guico Jr. LAKAS CMD.
Sa 6th district ay sina Gilbert Estrella ng nationalista peoples coalition at Marlyn Primiciab Agabas ng LAKAS CMD.