Dagupan City – Nasawi ang 42-anyos na construction worker sa bayan ng Sison matapos kitilin ang sarili nitong buhay.

Ayon kay PSMS Fernando Mason, Investigator sa Sison Police Station, naitala ang isnidente sa Barangay Binmeckeg, Sison, Pangasinan, kung saan ay natuklasan ang bangkay ng kaniyang kapatid.

Kinilala naman ang biktima na si Garry Castillo, residente sa nasabing lugar. Lumabalas naman sa inisyal na imbistigasyon na itinali umano nito ang kaiyang leeg gamit ang nylon cord na isang tali ng baka kung saan ay isinabit niya ito sa isang sanga ng puno.

--Ads--

Wala naman umanong nakikitang bakas ng anumang pagatatalo sa lugar ng insidente.

Sa kasalukuyan, naulila nito ang kaniyang anak 3 anak, at ang kaniyang asawa na nasa ibang bansa.

Samantala, ito pa lang umano ang naitalang suicide insident sa bayan at siniguro naman ni Mason na patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring at pagbabantay sa kanilang bayan.