Dagupan City – Naaresto sa loob lamang ng 10 ang 41 Wanted person sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office 4 sa mga nahuli rito ay mga topmost wanted person.

Kaugnay nito, ikinasa rin ng lalawigan ang Oplan Katok kung saan ay nakakumpiska ang kanilang hanay ng 10 sa mga Loose Firearms o Unlicensed firearms, habang 3 naman ang arestado sa illegal possession of firearms.

--Ads--

Ikinasa rin ang 15 anti-illegal drugs campaign operation at nahuli ang 17 sumailalim sa mga ito, sa kabuo-an nasa P355,680 ang nakumpiska.

Samantala, sa kabila ng mga naitalang nahuli sa illegal na gawain, tiniyak naman ni Dela Cruz na patuloy at hindi tumitigil ang kanilang hanay sa pagbabantay at pagpapanatili ng kaligtasan sa lalawigan.