Umabot sa 77 ang bilang ng mga pinalayang preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law sa buong region 1.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay Lt. Col. Mary Crystal Peralta, Public Information Officer ng PNP Region , sa tala ng PNP, sa bilang na 77, ang 13 ay mula Ilocos Norte , 12 sa Ilocos Sur, 12 sa La Union, 40 sa Pangasinan.
Ayon kay Peralta, sa kasalukuyan, umaabot na sa 41 ang boluntaryong sumuko sa mga kapulisan. Sa nasabing bilang 27 ang mula sa region 1 habang mayroong 14 ang nagboluntaryong sumuko lamang sa region kung saan nagawa ang krimen sa ibang lugar.
Sa bilang na 41 na sumuko, 23 na ang naiturn over sa Bureau of Correction. Ang 14 na sumuko ay hindi pa umano kasama sa 77 na nasa listahan ng region 1.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodreigo Duterte na sumuko sa loob ng 15 araw ang nasa 2,000 heinous crime convicts na napalaya dahil sa umano’y mabuting asal sa kulungan. Matatapos ang ultimatum na ito sa Sept. 19.
Layunin ng pagbawi ng Pangulo sa ginawang pagpapalaya ay upang rebisahin ang legalidad ng recomputation sa kanilang sentensya, para malaman kung talagang kwalipikado sila sa GCTA.