BOMBO DAGUPAN- Sugatan ang hindi bababa sa 41 katao sa lungsod ng Kharkiv,sa Ukraine, matapos maglunsad ng air strike ang Russia.

Ayon kay Regional head Oleh Syniehubov, kabilang sa mga sugatan ay 5 mga bata dahi sa naitalang 10 magkakalayong pag-atake ng Russia, kabilang na ang ballistic missiles.

Kaniyang inakusahan din ang Moscow sa pagtama ng mga imprastraktura ng lungsod na may mga sibilyan.

--Ads--

Kabilang sa mga napinsal sa pag-atake ay ang supermarket at isang sports complex na kadalasang pinupuntahan ng mga residente araw-araw.

Dagdag pa ni Syniehubov, nagpapatuloy ang rescue operations para mailigtas ang mga maaaring nadaganan sa mga napinsalang mga lugar.

Nanawagan naman si Ukranian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyado nito na ibigay ang pangangailangan ng Ukraine upang madepensahan nito ang bansa.