Patay ang isang 41 na lalaki matapos masangkot sa aksidente sa kahabaan ng national road sa barangay Tandoc sa siyudad ng San Carlos.
Nakilala ang naturang biktima na si Elmer Bautista na residente sa naturang lugar.
Ayon sa San Carlos PNP, mabilis umano ang takbo ng minamaneho nitong tricycle kaya tumama ito sa concrete barrier sa gilid ng kalsada.
--Ads--
Posible rin umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya ito naaksidente.
Sa lakas umano ng impact ng pagbangga nito sa barrier ay bumaliktad ang tricycle at nadaganan ang driver.
Ayon naman sa ama ng biktima ay nakainom umano ito nang mangyari ang insidente.




