DAGUPAN, CITY— Sinampahan na ng kaukulang kaso ang 41 anyos na driver matapos mahulihan ng iligal na droga na sa bayan ng Asingan.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act at RA 10591 o illegal possession of firearm and ammunition.
Matatandaang nakuha mula sa suspek ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P10,000 at isang hindi lisensyadong baril na caliber 380 sa quarantine checkpoint sa boundary ng Binalonan-Asingan.
--Ads--
Dinala na ang naturang suspek na tubong Magsaysay, Tubao La Union sa Urdaneta City para sa inquest proceeding ng kaniyang 2 kasong kinakaharap nang ito mahuli ng mga nagpapatrolyang mga pulis.