Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ng 41 aftershocks matapos ang magnitude 6.1 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
Sa esklusibong panayam ng bombo radyo Dagupan, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, na ang pinakamalakas na aftershocks ay magnitude 3.0 na naitala sa Olongapo City, Zambales na tumama ala-5:14 ng hapon.
May posibilidad na magkaroon pa ng mas maraming aftershocks sa susunod na mga oras at araw.
--Ads--
Paliwanag ni Solidum, na ang gumalaw na fault ay local fault at pahalang ang pagkilos kaya walang kaugnayan sa fault sa Manila at sa Tarlac, Pangasinan area.
Naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon.