DAGUPAN CITY- ‎Nasamsam ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 408,000 piso sa isang anti-drug operation sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Sa ikinasang buy-bust operation, nahuli ang isang 29-anyos na lalaki na residente ng Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City.

Itinuturing ang suspek bilang High Value Individual at kabilang sa Top Regional Priority Target sa usapin ng ilegal na droga.

--Ads--

‎Naaktuhan ang suspek habang inaabot ang kontrabando sa isang operatiba na nagpanggap na buyer.

Matapos ang transaksyon, agad siyang dinakip ng mga operatiba ng pulisya.

‎Nasamsam mula sa kanya ang hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 60 gramo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek, habang isinailalim na sa forensic examination ang mga nakuhang ebidensya.

‎Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Patuloy namang nananawagan ang mga otoridad sa publiko na suportahan ang kampanya kontra ilegal na droga.